Huwebes, Enero 25, 2018


Ano nga ba ang tigyawat?

Paano ito mababawasan at maaalis?

Yan ang mga katanungan na maaaring masagot sa aking mga sumusunod na blog. Ngunit bago ko isa-isahin ang mga produktong maaaring makatulong sa pagtanggal ng mga tigyawat. Ang mga produktong ito ay magkahalong Natural ( o mga matatagpuan lamang sa bahay)at mga Produktong nabibili naman sa mga ibat-ibang klase ng Tindahan (Groceries, Drugstores at Clinic). Ang ilan sa mga produktong aking bibigyan ng pag-aanalisa ay aking mismong nagamit(o base mismo sa aking personal na experience).







Ang tagyawat (pimples) ay isang normal na kondisyon ng balat na nakakaapekto sa balat ng maraming tao, lalong lalo na sa mga kabataang nagdadalaga o nag bibinata. Ang pimples ay pamamaga ng balat dahil sa pag kakaroon ng impeksyon sa sebaceous gland o ang glandulang nag kokontrol sa langis na nasa balat.Kapag ang glandulang ito ay nainfect ng bacteria, ito ay mamaga at mapupuno ng nana.
Ang sobrang pagpalabas ng langis ng oil gland ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng pimples o tagyawat. Ang pimples ay kadalasang tumutubo sa mukha, leeg, likod at balikat. Bagaman ang pagkakaroon ng pimples ay hindi naman isang seryosong sakit, ang pimples ay maaaring ikahiya ng mga mayroon nito lalo na ng mga kabataan.


Base sa aking sariling experience, sobrang nakakababa ng tiwala at lakas ng loob ang biglaang pagkakaroon ng tigyawat. Minsan mas gugustuhin mo nalang na huwag lumabas ng bahay upang huwag mapansin at mapuna ng ibang tao. Madalas ay sobrang maiinis at maguguluhan kana kung paano mo nga ba mababawasan at maaalis ang mga tigyawat na meron ka.

Narito ang ilan sa mga susing kaalaman ukol sa tigyawat.
  • Ang tigyawat ay pangkaraniwang problema ng mga teenadyers. May mga adulto ring namomroblema dahil sa pimples.
  • Ang tigyawat ay maaaring pagmulan ng matinding pagkasiphayo at kawalan ng tiwala sa sarili lalo na kung ito ay tumutubo sa mukha.
  • Ang paggamot sa tigyawat ay paggamot din sa emosyonal o sikolohikal na pinsala na maaaring idulot ng di makontrol na pagdami ng tigyawat.
  • Ang mga taong madalas labasan ng tigyawat ay mas posibleng tamaan ng depresyon
  • Ang pagkain ng mga pagkaing gawa sa gatas ay nagpapalala sa tigyawat
  • Para mabawasan ang posibilidad ng pagkakaroon ng tigyawat, irinerekomenda ang paghilamos ng hindi sosobra sa dalawang ulit araw-araw.
  • Ang pagpisa sa pimples ay magpapalala ng problema
  • Ang biglaang pagdami ng tigyawat ay maaaring dala ng stress, sobrang pag aalala, paggamit ng makeup at maruming buhok.

Ang pag-babati(Masturbate)  ay nakakaapekto ba sa tigyawat?
-sa aking nabasa ay maari, sapagkat ang mga hormones na nailalabas sa post masturbation ay dahilan upang ang sebaceous glands ay mag produce ng mas maraming oil(sebo o pawis), lalo na sa parte ng mukha. At dahil dito nagkakaroon ng pagbabara  sa pores na nagiging sanhi ng pagdami nito.



Yan muna para sa linggong ito. Sa aking mga sumusunod na blog ay inyo namang malalaman ang mga produktong maaaring makatutulong upang mabawasan at maalis ang mga tigyawat.😉☺






GUMAMIT NG YELO PARA SA TIGYAWAT AT SA PAMAMAGA NITO! Baka magtanong ka, yelo pampawala ng pimples? Opo, dahil may kakayahan ang...