Ano nga ba ang tigyawat?
Paano ito mababawasan at maaalis?
Yan ang mga katanungan na maaaring masagot sa aking mga
sumusunod na blog. Ngunit bago ko isa-isahin ang mga produktong maaaring
makatulong sa pagtanggal ng mga tigyawat. Ang mga produktong ito ay magkahalong
Natural ( o mga matatagpuan lamang sa bahay)at mga Produktong nabibili naman sa
mga ibat-ibang klase ng Tindahan (Groceries, Drugstores at Clinic). Ang ilan sa
mga produktong aking bibigyan ng pag-aanalisa ay aking mismong nagamit(o base
mismo sa aking personal na experience).
Ang tagyawat (pimples) ay isang normal na kondisyon ng balat na nakakaapekto sa balat ng
maraming tao, lalong lalo na sa mga kabataang nagdadalaga o nag bibinata. Ang
pimples ay pamamaga ng balat dahil sa pag kakaroon ng impeksyon sa sebaceous
gland o ang glandulang nag kokontrol sa langis na nasa balat.Kapag ang
glandulang ito ay nainfect ng bacteria, ito ay mamaga at mapupuno ng nana.
Ang
sobrang pagpalabas ng langis ng oil gland ang pangunahing dahilan ng
pagkakaroon ng pimples o tagyawat. Ang pimples ay kadalasang tumutubo sa mukha,
leeg, likod at balikat. Bagaman ang pagkakaroon ng pimples ay hindi naman isang
seryosong sakit, ang pimples ay maaaring ikahiya ng mga mayroon nito lalo na ng
mga kabataan.
Base sa aking sariling experience,
sobrang nakakababa ng tiwala at lakas ng loob ang biglaang pagkakaroon ng
tigyawat. Minsan mas gugustuhin mo nalang na huwag lumabas ng bahay upang huwag
mapansin at mapuna ng ibang tao. Madalas ay sobrang maiinis at maguguluhan kana
kung paano mo nga ba mababawasan at maaalis ang mga tigyawat na meron ka.
Narito ang ilan sa mga
susing kaalaman ukol sa tigyawat.
- Ang
tigyawat ay pangkaraniwang problema ng mga teenadyers. May mga adulto ring
namomroblema dahil sa pimples.
- Ang
tigyawat ay maaaring pagmulan ng matinding pagkasiphayo at kawalan ng
tiwala sa sarili lalo na kung ito ay tumutubo sa mukha.
- Ang
paggamot sa tigyawat ay paggamot din sa emosyonal o sikolohikal na pinsala
na maaaring idulot ng di makontrol na pagdami ng tigyawat.
- Ang
mga taong madalas labasan ng tigyawat ay mas posibleng tamaan ng depresyon
- Ang
pagkain ng mga pagkaing gawa sa gatas ay nagpapalala sa tigyawat
- Para
mabawasan ang posibilidad ng pagkakaroon ng tigyawat, irinerekomenda ang
paghilamos ng hindi sosobra sa dalawang ulit araw-araw.
- Ang pagpisa sa pimples ay magpapalala ng problema
- Ang biglaang pagdami ng tigyawat ay maaaring dala ng stress, sobrang pag aalala, paggamit ng makeup at maruming buhok.
Ang pag-babati(Masturbate) ay nakakaapekto ba sa tigyawat?
-sa aking nabasa ay maari, sapagkat ang mga hormones na nailalabas sa post masturbation ay dahilan upang ang sebaceous glands ay mag produce ng mas maraming oil(sebo o pawis), lalo na sa parte ng mukha. At dahil dito nagkakaroon ng pagbabara sa pores na nagiging sanhi ng pagdami nito.
Yan muna para sa linggong ito. Sa aking mga sumusunod na blog ay inyo namang malalaman ang mga produktong maaaring makatutulong upang mabawasan at maalis ang mga tigyawat.😉☺
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento