Biyernes, Pebrero 2, 2018

GEL WASH AT TONER PARA SA TIGYAWAT?


LAB 46 SKIN CARE- ACNE DEFENSE GEL WASH AT ACNE DEFENSE CLARIFYING TONER


PRODUKTO NG LAB 46 SKIN CARE
Ang mga produktong ito ay makatutulong upang maalis ang mga tigyawat. Medyo may kamahalan lamang ang mga  ito ngunit akin namang sinisigurado na ito ay mga epektibo.





Acne Defense Gel Wash

  •      Ang produktong ito ay naglalaman ng aktibong sangkap na Benzoyl Peroxide at Clyndamycin formula.
  •      Ang Benzoyl Peroxide ay isang uri ng kemikal na ginagamit o hinahalo sa mga produkto upang makatulong sa pag-alis ng mga tigyawat
  •      Samantala ang Clyndamcyn naman ay isang antibiotic na maaaring gamitin sa paggamot sa balat o impeksyon sa balat.
Paraan ng Paggamit:
  •         Maglagay lamang ng katamtamang pataak sa iyong palad at imasahe sa iyong mukha, partikular sa mga bahaging apektado ng tigyawat.
  •      Banlawan ng maigi ang mukha (huwag masyadong diinan ang paghaplos sa mukha upang hindi mairita ang balat)
  •      Iwasang mapunta sa mata o inumin.
      

Acne Defense Clarifying Toner


  •  Ang Toner naman na ito ay nagtataglay ng aktibong sangkap na Salicylic Acid.
  • Ang Salycilyc Acid ay ginagamit panggamot sa sakit sa balat gaya ng tigyawat o pamumula ng balat. Maari rin itong gamitin sa paggamot sa warts balakubak at iba pa.
     Paraan ng Paggamit:
  • ·   Gamit ang cotton ball ipahid mula sa leeg hanggang sa noo sa pataas na mosyon.
  • ·   Gamitin pagkatapos na mahugasan  ang mukha.


      Para sa magandang resulta gamitin ang produktong ito dalawang (2) beses sa isang araw. Una sa umaga at sa gabi bago matulog. Hugasan muna ang mukha gamit ang Gel Wash at pag katapos gamitiin ang Toner.

  Mabibili lamang ito sa clinic ni Dra. Stephanie De Leon. Ewan lang kung may ibang nag bebenta pa, haha!Effective ito promise! Ang isang bote ay naglalaman ng 120 ml  na maari nang magtagal ng hanggang sa 4-5 linggo depende sa iyong paggamit.
  

    Ang mga produktong ito ay Mild lang promise! Noong ginamit ko ito okay lang naman hindi siya mahapdi parang napaka simple lang wala kang mararamdaman na paghapdi sa mukha. Nagustuhan ko ang produktong ito kasi malaki-laki din ang natulong nito sakin haha! totoo man, May kamahalan lang talaga pero hindi mo namn pagsisisihan yung gagastusin mo. Kung gusto niyo bumili PM nalang sasamahan pa kita.😃😉




    "Makatutulong din ang pag-inom ng 8 hanggang 10 baso ng tubig upang mailabas ang mga  masamang bacteria sa katawan na maaaring magdulot ng pagkakaroon ng tigyawat."



4 (na) komento:

  1. Hello. Eto rin gamit kong toner. Kaso yung bagong bili kong lab46 acne defense clarifying toner medyo mas matapang ang amoy at medyo yellowish yung yung l as compared sa una kong nabili na ganto rin. May ganun case ka bang na experience??

    TumugonBurahin
  2. Hello, ganyan din nabili ko,di ko ginamit kasi iba sya sa previous na product. Duda ko parang contaminated.tinanong ko yung doctor sabi nya ok ong dw kasi nka sealed.

    TumugonBurahin
  3. Hanggang ngayon po ba gamit niyo parin po yan? wala namang negative side effects sa inyo po? or nagpalit na po kayo?

    TumugonBurahin

GUMAMIT NG YELO PARA SA TIGYAWAT AT SA PAMAMAGA NITO! Baka magtanong ka, yelo pampawala ng pimples? Opo, dahil may kakayahan ang...