Biyernes, Pebrero 9, 2018

POND'S ACNE CLEAR FACIAL FOAM

Sobrang stress kana ba sa pag-aaral mo? Dahil sa sobrang dami ng mga school works mo andiyan ang mga reports, quiz, exam at ibp. Dahil sa sobrang stress at puyat mo lumalabas ang mga tigyawat mo. Na isa pa sa prinoproblema mo dahil sobrang pinapababa nito ang kumpyansa mo. Narito ang isang produkto na makakatulong upang ang iyong tigyawat ay mawala.

POND'S ACNE CLEAR- FACIAL FOAM



Ang POND'S ACNE CLEAR FACIAL TONER ay may sangkap ng aktibong Thymo-T Essence. At linalabanan nito ang 99.9% ng bakterya na nagdudulot ng tigyawat na gumagana sa loob ng 3 araw. Ito rinay may sangkap na salisylic acid na siyang tumutulong upang mabawasan at matanggal ang mga tigyawat.


Narito ang buong detalye ng mga sangkap nito:

  • Myristic Acid, Glycerin, Water, Propylene Glycol , Potassium Hydroxide , Stearic Acid, Lauric Acid, Glycol Distearate, Decyl Glucoside , Glyceryl Stearate, Perfume, Terpineol, DMDM Hydantoin, Salicylic Acid, Thymol, Polyquaternium-7, Disodium EDTA, Butylene Glycol, Niacinamide, Iodopropynyl Butylcarbamate, Sodium Benzoate
Paraan ng paggamit:
  • Basahin ang mukha.
  • Kumuha ng katamtamang dami, ilagay sa palad.
  • Ilagay sa mukha at imasahe ng mabuti. Pagkatapos ay banlawan ng mabuti.
First time ko lamang na gumamit ng produktong ito, ngunit ako ay nasiyahan na sapagkat sa tuloy tuloy na paggamit ko dito ay natutuyo ang mga tigyawat pagkatapos ay naalis na parang mga white heads. Nakalatulong din ito upang mabawasan ang pag;abas ng sebo ng iyong mukha. Sabi nga patalastas ng produktong ito, ito'y gumagana sa loob ng tatlong araw. Ang produktong ito ay isa sa mga masasabi ko na aking nagustuhan.


Related image

Ito ay produkto ng Unilever. Ang lalagyang ito ay tumitimbang ng 50g na maaari ng gamitin sa loob ng 1-2 linggo depende saiyong paggamit.


Ano pa ang hinintay mo stress kana ba? Okay kapa ba sa mga tigyawat mo? Bili kana nito meron nito sa mga grocery at sa mga botika murang mura lamang kung ikukumpara sa ibang mga produkto ang 50g nito ay nagkakahalaga lamang ng 85pesos. Gamit upang mabawasan naman ang stress mo sa mga tigyawat mo at hindi ka kutyahin at lokohin ng iyong mga kaibigan at kaklase.😊😃😏

"Upang maiwasan ang pagkakaroon ng tigyawat ugaliing maghilamos ng mukha ng dalawa o isang beses sa isang araw. Ugaliin din ang pag-tatanggal ng make-up sa mukha upang maiwasan ang pagkalat ng bacteria na siyang sanhi ng pagkakaroon ng tigyawat."


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

GUMAMIT NG YELO PARA SA TIGYAWAT AT SA PAMAMAGA NITO! Baka magtanong ka, yelo pampawala ng pimples? Opo, dahil may kakayahan ang...