TOOTHPASTE!
Karaniwang ginagamit upang linisin ang ating mga ngipin, pampaputi at nagpapanatili ng mabangong hinginga sa ating bibig. Ngunit sinong magsasabi na maari rin itong gamitin upang ang mga tigyawat ay maalis sa iyong mukha. Narito ang ilang mga bagay upang iyong malamn kung papaano ito gamitin.
Ang toothpaste na ginagamit mo tuwing umaga para linisin ang ngipin mo ay pwede rin palang gamitin panggamot sa pimples. Ito ay napakaepektibong gamitin bilang sunod sa paggamit ng yelo. Sa paggamit ng toothpaste panggamot sa tigyawat, piliin mo yung puting toothpaste hindi yung parang gel.
PAANO ITO GAMITIN?
- Maglagay ng putting toothpaste sa apektadong bahagi ng balat bago matulog sa gabi.
- Sa umaga, banlawan mo ng maayos ang bahagi na pinaglagyan mo ng toothpaste. Makikita mo ng malaking pagbabago sa pamamaga at pamumula ng pimples mo.
Kung gusto mo, pwede mong
ulitin ang prosesong ito sa umaga. Siguraduhin mo lamang na ang toothpaste ay
hindi mahuhulog mula sa mukha mo ng hindi bababa ng kalahating oras.
Ang aking experience sa paggamit ng toothpaste, hmmm sa totoo lang isang beses ko lamang itong nasubukang gamitin. Maiinit siya sa mukha na parang nasusunog kaya nasa 15 minuto palang ay binanlawan ko na ang aking mukha. Siguro hindi lang siya nararapat sa balat ko. Ganun pa man ayon naman sa ilang mga eksperto at mga pagsisiyasat ay nakatutulong namn talaga ito upang matanggal ang tigyawat nasa sanayan at hiyang lamang siguro😉😆😏
"Iwasan ang pag-hawak sa mukha, upang maiwasan rin na magkaroon ng mga bacteria sa mukha na siyang nagdudulot minsan ng pagkakaroon ng tigyawat, mas makabubuti na gumamit ng malinis na tela para pamunas sa mukha hindi ang kamay"
Pede po bang dalawang beses SA Isang araw? Umaga tpos SA Gabi po?
TumugonBurahin