Siguro kayo ay nagtataka? maaari nga bang makatulong ang bawang sa pag-aalis ng mga tigyawat?
Magandang araw isa nanamang napaka pagod at stress na araw ang nagdaan, kaya't ang mga tigyawat ay mo ay nagsisismula nanamang dumami. Narito ang isang natural na pamamaraan upang na tiyak ay makakatulong upang mabawasan ang iyong problema sa iyong mga tigyawat.
BAWANG
Bawang! Tama bawang nga! Ang madals ay ginagamit upang pampalasa at pambango sa mga lutuin ay maaari rin palang gamitin upang matanggal ang mga tigyawat na sanhi ng iyong stress. Hindi tayo maggigisa hah! HAHAHA kahit na parang frying pan na yang mukha dahil sa sobrang sebo.
Opo, bukod sa gamit ng
bawang sa kusina, ito ay may antiviral, antibacterial, antifungal at
anti-oxidant properties din na nakatutulong na mawala agad ang pimples. Ang
sulfur o asupre na nasa bawang ang siyang dahilan kung bakit nakagagamot ito ng
iba’t ibang mga sakit sa balat kasama na ang pimples.
Paano Gamitin?
Hatiin ang isang piraso ng
bawang sa dalawa. Ikuskos ang bawang sa pimples at hayan ng limang minuto bago
hugasan ng maligamgam na tubig. Ulitin ng ilang beses sa isang araw.
Maari ring gamitin ito na facial paste durugin lamng at lagay sa mukha, katamtaman lamng dahil maaring masunog ang iyong balat. At pagkatapos ng ilang araw itoy magbabalat parang instant home made facial peeler.
PAALAA!
Huwag ibabad ng masyadong matagal ang bawang sa mukha dahil maaari itong mgdulot ng pagkasunog ng balat at pagka-irita, baka lalo lang nitong palalain ang sitwasyon ng iyong tigyawat. Kapag nakaramdam na parang mainit na parang napapaso o mahapdi ay agad na banlawan.
Ang pagkain ng isang piraso
ng bawang araw araw ay makatutulong din na linisin ang iyong dugo. Pero tandaan
na masama naman ang sobrang pagkain ng hilaw na bawang dahil pwede nitong
sugatan ang iyong sikmura.
Sa aking sariling experience naman, dahil sa sobrang pag-aalala ko noon dahil sobra naman talaga ang dami ng tigyawat ko kaya pati ito (BAWANG) ay na subukan ko. Sa totoo lang parang hindi siya naging mabisa sa akin, kasi noong ginamit ko ito parang lumala lalo. At mahapdi siya sa balat kaya saglit pa lamang ay binabanlawan kona, mga tatlong beses ko siyang na try na gamitin ipinahid ko siya sa mukha ko tapos makalipas ang ilang araw nagbalat siya pero hindi siya sabay sabay kaya pangit. At saka maamoy talag siya sa mukha amoy na amoy kahit na nag sabon kana kaya tiis talaga.
Siguro hindi talaga siya angkop para sa aking balat. Pero may mga pag-aaral naman na nagpapatunay na maari talaga itong gamitin para sa tigyawat. Nasa sanayan lamang siguro.
Yan muna para sa araw na ito!π
ππ
"Ugaliing maghilamos ng mukha ng isa o dalawang beses sa isang araw. At Maging malinis sa pangangatawan upang maiwasan ang pagkakaroon ng tigyawat"